Biyernes, Agosto 12, 2011

Paano mapuksa ang kahirapan

Ang kahirapan ay ang laging tugon ng iilan nating kababayan tuwing sila ay nahuhuling lumalabag sa batas o di kaya ang mga kabataang napipilitang magtrabaho para lamang kumita ng pera para sa kumakalam na tiyan ng  kanilang pamilya. Maging sa ating gobyerno, kahirapan din para sa kanila kung papaano mapuksa ang lumalalang problema ng kahirapan sa ating bansa. Marami ng batas ang kanilang naipasa patungkol sa pagpuksa ng kahirapan ng ating bansa.

Marami sa atin ang nakakalimutan ang ating obligasyon bilang isang mamamayang pilipino ang pagbayad sa ating buwis indibidwal o kilala sa dating bansag na CEDULA, ikumpara sa ibang bansa (pangkalahatan), kung ang isang indibidwal ay umabot na sa tamang edad na magbayad ng buwis, sila ay obligadong gawain ang kanilang partisipasyon sa kanilang komunidad, nang sa ganoon ay lalong tumatag ang kanilang estado. Sa ganitong paraan, nakakatulong sila sa pagpapalago ng kanilang ekonomiya.

Kung ating titingnan, marami sa ibang karatig bansa ang pinakamahirap noong mga unang panahon, pero sila naman ngayon ang nangunguna sa ating bansa ngayon, dahil ito sa disiplina nila sa pagbabayad ng buwis, di man tama pero nagbabayad pa rin sa bawat kategoryang;

Indibidwal (walang trabaho, tambay o nag-aaral)   => kaukulang presyo ng ibabayad
Indibidwal (applekanten lokal o pag-ibang bayan) => kaukulang presyo ng ibabayad
Indibidwal (may trabaho)                                     => kaukulang presyo ng ibabayad
Applikasyon para sa negosyo                             => kaukulang presyo ng ibabayad
Para sa negosyo                                                => kaukulang presyo ng ibabayad
Para sa konstraksyon                                       => kaukulang presyo ng ibabayad
sa iba pang dapat bayaran                                => kaukulang presyo ng ibabayad

Kung ito lamang ay magawan ng batas na ipapatupad sa bawat indibidwal na nasa hustong gulang at i-require sa bawat mag-aaral na may edad 18 pataas, hindi malayong uunlad ang ating bansa at makakalaban tayo sa kahirapan.

Durugtungan.....

Huwebes, Agosto 11, 2011

Freedom of Expression ayon sa mga Artist?

Ayon sa mga artist na sumusuporta sa likha ni Medio Cruz, dapat daw ay di binatikos ang kanyang sining (M Cruz) ng mga tao, dahil ang bawat mamamayan ay mayroong Freedom of Expression. Sang-ayon ako sa wikang Freedom of Expression kung ito ay walang nasasagasaang paniniwala sa tamang opinion, reputasyon ng isang tao, bilang isang matuwid na mamamayan, o relehiyon ng kahit sino man.

Ngunit, ang kanyang sining ay isang pang iinsulto sa paniniwalang Katoliko, ito ay isang pag yurak o paninira sa reputasyon ng mga Katoliko. Kung ang sining ni Mideo Cruz ay nilahat ang mga paniniwalang relehiyon, hindi lalalabas na isang organisasyon lamang ang kanyang nainsulto, sana isinama na niya ang relihiyong Muslim, Buddhism at kung anu-ano pang relehiyong matatagpuan dito sa Pilipinas.

Marami namang mga bagay ang malilikha sa sining na di nakakasagasa ng paniniwalang espiritual o intelektuwal ang puwedeng malikha at maging kaaya-aya sa paningin ng bawat mamamayan, isa na doon ang isang likha ng isang sikat na pintor na kung saan sa kanyang sining ay isang larawan ng huling hapunan na kung saan ay may isang bata sa ilalim ng lamesa na namumulot ng pagkain upang ito ay kanyang makain, ang kanyang sining ay naglalahad ng isang sitwasyon na kung saan ay marami na sa ating mga kababayan ang naghihirap. Isa rin sa sining na aking nakita ay gawa ng isang bata na kung saan ang kanyang sining ay naglalarawan kung gaano kahalaga ang pag-aaruga ng isang ina sa kanyang anak.

Nararapat lamang na papanugutin ang mga opesyales ng CCP sa likha ni Mideo Cruz, na kung bakit nila pinayagan ang ganitong klaseng likha, na dapat ay isina alang-alang nila ang kanilang relihiyong kinabibilangan at kung gaano ito kasagrado sa iilang mamayang Pilipino. Iilan, dahil di naman buong Pilipinas ay Katoliko, meron mga Muslim, Iglesia ni Kristo, Pentecostal, Alliance, Jehovah's Witnesses, at marami pa.

At panghuli, ito ay opinyon ko lamang, hindi ko intensiyon na sirain, yurakan o insultuhin ang mga nabanggit kong mga organisayong relehiyon at organisasyong sining dito sa aking Blog.