Huwebes, Agosto 11, 2011

Freedom of Expression ayon sa mga Artist?

Ayon sa mga artist na sumusuporta sa likha ni Medio Cruz, dapat daw ay di binatikos ang kanyang sining (M Cruz) ng mga tao, dahil ang bawat mamamayan ay mayroong Freedom of Expression. Sang-ayon ako sa wikang Freedom of Expression kung ito ay walang nasasagasaang paniniwala sa tamang opinion, reputasyon ng isang tao, bilang isang matuwid na mamamayan, o relehiyon ng kahit sino man.

Ngunit, ang kanyang sining ay isang pang iinsulto sa paniniwalang Katoliko, ito ay isang pag yurak o paninira sa reputasyon ng mga Katoliko. Kung ang sining ni Mideo Cruz ay nilahat ang mga paniniwalang relehiyon, hindi lalalabas na isang organisasyon lamang ang kanyang nainsulto, sana isinama na niya ang relihiyong Muslim, Buddhism at kung anu-ano pang relehiyong matatagpuan dito sa Pilipinas.

Marami namang mga bagay ang malilikha sa sining na di nakakasagasa ng paniniwalang espiritual o intelektuwal ang puwedeng malikha at maging kaaya-aya sa paningin ng bawat mamamayan, isa na doon ang isang likha ng isang sikat na pintor na kung saan sa kanyang sining ay isang larawan ng huling hapunan na kung saan ay may isang bata sa ilalim ng lamesa na namumulot ng pagkain upang ito ay kanyang makain, ang kanyang sining ay naglalahad ng isang sitwasyon na kung saan ay marami na sa ating mga kababayan ang naghihirap. Isa rin sa sining na aking nakita ay gawa ng isang bata na kung saan ang kanyang sining ay naglalarawan kung gaano kahalaga ang pag-aaruga ng isang ina sa kanyang anak.

Nararapat lamang na papanugutin ang mga opesyales ng CCP sa likha ni Mideo Cruz, na kung bakit nila pinayagan ang ganitong klaseng likha, na dapat ay isina alang-alang nila ang kanilang relihiyong kinabibilangan at kung gaano ito kasagrado sa iilang mamayang Pilipino. Iilan, dahil di naman buong Pilipinas ay Katoliko, meron mga Muslim, Iglesia ni Kristo, Pentecostal, Alliance, Jehovah's Witnesses, at marami pa.

At panghuli, ito ay opinyon ko lamang, hindi ko intensiyon na sirain, yurakan o insultuhin ang mga nabanggit kong mga organisayong relehiyon at organisasyong sining dito sa aking Blog.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento